Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

TikTok, umaasang malulutas ang alinlangan ng pamahalaang Amerikano sa pamamagitan ng kasunduan ng ByteDance, Oracle at Walmart

(GMT+08:00) 2020-09-20 16:05:30       CRI
Sa pamamagitan ng kasunduang narating ng Chinese parent company na ByteDance kasama ang dalawang kompanyang Amerikano na Oracle at Walmart, umaasa ang video-sharing social networking platform TikTok, na malulutas ang alinlangan sa seguridad ng pamahalaang Amerikano, at isasaayos ang kinabukasan ng TikTok sa Amerika.

Ito ang nakasaad sa pahayag na inilabas kahapon, Sabado, ika-19 ng Setyembre 2020, ng TikTok, pagkaraang sabihin ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na inaprobahan niya ang kasunduan sa pagitan ng naturang tatlong panig.

Ang nabanggit na kasunduan ay isinumite sa mga awtoridad-Amerikano nitong Lunes at kasalukuyang pinag-aaralan ng White House.

Ayon dito, ang Oracle ang magiging "technology provider" ng TikTok at mamamahala sa lahat ng mga data ng mga gumagamit nito sa Amerika, para lubos na bigyang-kasiyahan ang mga pangangailangan ng panig Amerikano sa aspekto ng pambansang seguridad.

Samantala, ang Walmart naman ang magiging "commercial partner" ng TikTok.

Maa-ala-lang paulit-ulit na ipinahayag ni Trump at ilang pulitikong Amerikano, na ang TikTok ay banta sa pambansang seguridad ng Amerika, kahit wala siyang ibinigay na ebidensya para suportahan ang paratang na ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>