Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga espesyal na panauhin ni Xi Jinping sa bisperas ng Pambansang Araw

(GMT+08:00) 2020-09-30 19:24:52       CRI
Nitong ilang taong nakalipas, sa bisperas ng Pambansang Araw, Oktubre 1, inanyayahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga espesyal na panauhin sa Great Hall of the People sa Beijing.

Noong 2019, inanyayahan ni Xi ang pambansang koponang kababaihan ng balibol ng Tsina.

Nauna rito, naging kampeon ang koponang ito sa ika-13 FIVB Women's World Cup, at ito ang ika-10 kampeonato na kinuha ng pambansang koponang kababaihan ng balibol ng Tsina sa tatlong pangunahing paligsahan ng balibol ng daigdig.

Noong 2018, inayayahan ni Xi si Liu Chuanjian, kapitan ng Sichuan Airlines ng Tsina, kasama ng kanyang cabin crew.

Noong Mayo 14, 2018, matagumpay na isinagawa ni Liu at kanyang cabin crew, ang emergency landing ng kanilang flight, na may cockpit windshield na biglaang sumira sa langit na mga 32,000 feet ang taas. Ligtas ang lahat ng mga pasahero sa eroplano.

Noong 2015 naman, inayayahan ni Xi ang 13 tauhan mula sa Inner Mongolia, Guangxi, Tibet, Ningxia, at Xinjiang, mga pangunahing purok-panirahan ng mga etnikong minorya ng Tsina.

Ginawa ng naturang mga tauhan ang malaking pagsisikap, para palakasin ang pambansang pagkakaisa sa kani-kanilang lugar.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>