Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Thailand, handang pasulungin pa ang kanilang komprehensibo't estratehikong partnership

(GMT+08:00) 2020-10-16 10:43:38       CRI

Bangkok — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Huwebes, Oktubre 15, 2020 (local time) kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinahayag ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, ang pasasalamat sa ibinibigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa pakikibaka ng panig Thai laban sa pandemiya ng COVID-19.

Umaasa aniya ang Thailand na mapapalakas ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa paggawa ng bakuna, at magkasamang itatatag ang malusog na Silk Road. Dapat magkasamang pagplanuhan ng dalawang panig ang kooperasyon sa post-pandemic era para mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, aniya pa.

Idinagdag pa niya na patuloy at matatag na mananangan ang Thailand sa prinsipyong "Isang Tsina."

Ipinahayag naman ni Wang na sinubok ng pandemiya ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa, bagay na nagpapakita ng malakas na pleksibilidad at malinaw na prospek ng kooperasyong Sino-Thai.

Ani Wang, buong tatag na sinusuportahan ng panig Tsino ang pagtahak ng panig Thai sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayang pang-estado. Kinakatigan din ng panig Tsino ang ginagawang pagsisikap ng panig Thai para mapangalagaan ang katatagang panlipunan at maisakatuparan ang kaunlaran at kasaganaan, dagdag niya.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>