Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gobernador ng New York, nagpasalamat sa ibinigay na tulong ng panig Tsino

(GMT+08:00) 2020-10-24 15:11:32       CRI

Ipinalabas kamakailan ni Andrew Cuomo, Gobernador ng estadong New York ng Estados Unidos, ang bagong aklat na "American Crisis" kung saan positibong pinapurihan ang natamong tagumpay ng Tsina sa pakikibaka laban sa pandemiya ng COVID-19 at pinasalamatan ang ibinigay na malaking tulong ng panig Tsino sa panig Amerikano sa usaping ito.

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Biyernes, Oktubre 23, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ito ay tunay na pagpapakita ng pagtutulungan ng mga mamamayang Tsino at Amerikano sa paglaban sa pandemiya.

Ani Zhao, dapat magkaisa ang Tsina at Amerika sa paglaban sa pandemiya para magkasamang mapangalagaan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig. Matapat na umaasa ang panig Tsino na makokontrol ng Amerika ang kalagayan ng pandemiya sa lalong madaling panahon, at nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magkaloob hangga't makakaya ng tulong sa mga mamamayang Amerikano upang pagtagumpay ang pandemiya, dagdag pa niya.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>