Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lahore OLMT Project ng CPEC, pormal na naisaoperasyon

(GMT+08:00) 2020-10-26 10:52:24       CRI

Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Linggo, Oktubre 25, 2020, sa Lahore(punong lunsod ng probinsyang Punjab ng Pakistan) at Beijing ang seremonya ng pagsisimula ng operasyon ng Lahore Orange Line Metro Train Project (OLMT) Project ng ChinaˇVPakistan Economic Corridor (CPEC) - bagay na sumasagisag sa pagpasok ng Pakistan sa "subway era."

Isinagawa ng kompanyang Tsino ang nasabing proyekto.

Sa seremonya ng pagsisimula, sinabi ni Sardar Usman Buzdar, Chief Minister ng probinsyang Punjab, na sa ngayon, ang OLMT ay isa sa mga pinakamodernong urban rail transit project sa buong Timog Asya.

Aniya, mayroon itong pangmalayuang katuturang ekonomiko at panlipunan.

Sinabi pa niyang ang CPEC ay nakakapagbigay ng bagong landas para sa Pakistan tungo sa kaunlaran at kasaganaan.

Ang maalwang pagtatapos ng OLMT ay tiyak na makakapagpasulong pa sa tradisyonal na pagkakaibigang Pakistani-Sino, dagdag niya.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>