Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekonomiya, gumanda sa ikalawang tatlong buwan ng 2017

(GMT+08:00) 2017-08-18 09:10:48       CRI

LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng may 6.5% sa ikalawang tatlong buwan ng taong 2017. Ito ang ibinalita ni Socioeconomic Planning Undersecretry Lisa Grace S. Bersales sa isang press briefing na dinaluhan din ni Secretary Ernesto M. Pernia kaninang umaga.

Nagsulong ng ekonomiya ang manufacturing, trade, real estate, renting at business activities sa ikalawang tatlong buwan ng taon.

Kabilang sa major economic sectors ang industry na nakapagtala ng 7.3% at bumagal naman ang services at natamo ang 6.1% kung ihahambing sa 8.2% na nakamtan noong ikalawang tatlong buwan ng 2016.

Nakabawi ang pgsasaka sa pagkakaroon ng 6.3% growth mula sa negative 2.0% noong nakalipas na taon.

Sa naturang briefing, sinabi ni National Statisticin at Civil Registrar General Bersales n ang Net Primary Income from the Rest of the World (NPI) ay lumago ng 8.6% kung ihahambing sa 6.1% growth na naitala noong 2016.

Ang Gross National Income o GNI ay kinakitaan ng paglago ng 6.8%. Sa pagtataya na aabot sa 104.5 milyon ang mga Filipino sa pagtatapos ng Hunyo ng 2017, lumago ang per capita GDP na may 5.0%. Ang per capita GNI ay umabot sa 5.3% at ang per capita Household Final Consumption Expenditure (HFCE) ay lumago ng 4.4%.


1  2  3  4  5  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>