Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Nihao Zhongguo: Mga pambihirang kaalaman tungkol sa Tsina  (Part IV)

(GMT+08:00) 2017-10-19 08:53:20       CRI

Para sa episode na ito ng DLYST, susubukan nating kilalanin ang ibat-ibang pestibal ng Tsina na kadalasan ay ipinagdiriwang din sa ibat-ibang bansa sa mundo, magpahanggang ngayon.

1. Chun Jie/Pestibal ng Tagsibol

Ang Pestibal ng Tagsibol/Chinese New Year o Chun Jie ay ang unang araw sa Kalendaryong Tsino. Kapag papalapit na ang Chun Jie, abala ang mga tao sa pagbili ng mga kagamitan, paglilinis ng bahay, pagluluto ng mga tradisyonal na pagkain, paggawa ng mga couplet para sa Pestibal ng Tagsibol, at pagsasabit ng mga dekorasyon at pinta para sa Pestibal ng Tagsibol. Ang pagsasalu-salo ng buong pamilya ay ang pinaka-importanteng aktibidad sa Chun Jie. Ang dumpling ay hindi maaaring mawala. Kinakatawan ng dumpling ang pagsasama-sama ng pamilya at magandang hangarin. Nagsasama-sama ang buong pamilya para magdiwang at magsaya. Kapag Chun Jie, suot ang kanilang mga bagong damit, binibisita ng mga tao ang isat-isa, at binibigyan ng pera ang mga bata upang magpahayag ng mabuting hangarin. Tuwing panahon ng Chun Jie, ibat-ibang selebrasyon ang idinaraos tulad ng mga perya sa templo, mga pagtatanghal, at mga eksibisyon ng parol, na tumatagal nang halos kalahating buwan.

2. Qing Ming

Ang Pestibal ng Qing Ming ay araw ng pagpupugay at paggunita para sa mga Tsino. Tuwing ikalima ng Abril ayon sa Kalendaryong Tsino, idinaraos ng mga tao ang mga seremonya para sa kanilang mga ninuno at namayapang mahal sa buhay, at winawalis ang kanilang mga nitso. Ayon sa tradisyon, habang winawalis ang nitso, ang mga tao ay naglalagay ng pagkain sa harap nito, tinatabunan ng bagong lupa, nilalagyan ng sariwang sanga ng halaman bilang dekorasyon, at niyuyukuran bilang tanda ng paggalang. Sa tradisyonal na pintang Tsinong pinamagatang "Tagpo sa Kahabaan ng Ilog sa Pestibal ng Qing Ming," na iginuhit 900 taon na ang nakakaraan, makikita ang mayamang (masaganang) atmospera at aktibidad sa nasabing araw. Sakay ng kanilang kabayo, ang mga tao ay bumabalik mula sa pagwawalis ng nitso, dala ang kanilang mga kagamitan. Ngayon, ang Qing Ming ay isa nang pampublikong piyesta-opisyal sa Tsina. Kahit nagbago nang kaunti ang mga seremonya sa paglipas ng panahon, ipinapahayag pa rin ng mga Tsino ang kanilang pagpupugay at paggunita sa kanilang namayapang mahal sa buhay.

3. Duan Wu Jie/Pestibal ng Bangkang Dragon

Noong sinaunang Tsina, may isang dakilang manunula na nagngangalang Qu Yuan. Hindi niya matanggap ang pananakop ng mga dayuhan sa kanyang bansa, kaya, nilunod niya ang sarili sa ilog. Nagsagwan naman sa ilog ang mga lokal na residente upang siya ay iligtas at naghulog sila ng mga bolang gawa sa malagkit na bigas para ang kainin ng mga isda at hindi ang katawan ni Qu. Di-nagtagal, bilang pag-alaala sa patriotismo ni Qu, nagsasagwan sa ilog ang mga tao at gumagawa ng Zongzi, gamit ang malagkit na bigas tuwing Pestibal ng Bangkang Dragon o Duanwu Jie. Iyon ang pinagmulan ng karera ng bangkang dragon at pagkain ng Zongzi. Isang sinaunang kagawian tuwing Duanwu Jie ay pagsasabit ng dahon ng Calamus at Wormwood sa harap ng pintuan upang paalisin ang masasamang espiritu. Sa ilang lugar, ang mga tao ay umiinom ng alak na realgar, at ang mga bata ay sinusuotan ng mga paketeng may insenso. Sa kasalukuyan, nagsasama-sama ang pamilya sa Duanwu Jie. At marami nang ibat-ibang aktibidad ang mga tao para ipagdiwang ang tradisyonal na pestibal na ito.

4. Qi Xi/Pestibal ng Qi Xi

Ang Pestibal ng Qi Xi, na kilala rin bilang Araw ng mga Puso sa Tsina ay ipinagdiriwang tuwing ikapitong araw ng ikapitong lunar na buwan ng Kalendaryong Tsino. May isang romantikong kuwentong may kaugnayan sa Qi Xi. Ayon kuwento, sa pagpasyal sa daigdig (planetang mundo) ng isang diwatang taga-langit na nagngangalang Zhi Nv, nahulog ang kanyang damdamin sa isang pastol ng baka na nagngangalang Niu Lang. Napagpasiyahan ni Zhi Nv na manatili sa daigdig (planetang mundo) kasama si Niu Lang at mamuhay bilang ordinaryong nilalang. Pero, ang pagmamahalan sa pagitan ng isang ordinaryong nilalang at diwata ay mahigpit na ipinagbabawal. Kaya, ang magsing-irog ay pinarusahan ng mga diyos sa langit, at ginawa silang bituin na inilagay sa magkabilang dulo ng kalawakan. Maaari lamang nilang silayan ang isat-isa sa pambihirang di-maraang distansya. Pinapayagan lamang silang magkasama tuwing ikapitong araw ng ikapitong lunar na buwan kada taon. Nagtitipun-tipon ang mga ibong magpie para gumawa ng tulay sa kalawakan upang muling magkasama ang magsing-irog. Ang Qi Xi ang pinaka-romantiko sa lahat ng mga tradisyonal na pestibal ng Tsina. Sa pestibal na ito, ginugunita ng mga Tsino ang katapatan sa pag-ibig at nananalangin para sa kaligayahan ng pamilya.

5. Zhong Qiu/Pestibal ng Gitnang Taglagas

Ang Zhong Qiu o Pestibal ng Gitnang Taglagas (sa Kalagitnaan ng Taglagas) ay pestibal ng pagsasama-sama ng mga pamilya sa Tsina. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ikalabinlimang araw ng ikawalong lunar na buwan sa Kalendaryong Tsino, kapag nagpapakita (nakita) ang bilog na buwan sa kalangitan. a araw na ito, ang mga tao ay kumakain ng minatamis na hugis buwan, na kung tawagin ay "moon cake". Sama-samang kumakain ng moon cake at sariwang prutas ang lahat ng miyembro ng pamilya habang pinagmamasdan ang bilog at maliwanag na buwan. Sa mga hindi nakauwi sa pamilya, kanilang pinagmamasdan ang bilog na buwan at ina-ala-ala ang mga mahal sa buhay. Ang tradisyong ito ay ipinagdiriwang ng lahat ng Tsino sa buong mundo. Tulad ng sabi ng isang sinaunang tulang Tsino, "Sumisikat ang buwan mula sa dagat, at ang sandaling ito ay pinagbabahaginan ng lahat ng tao.

6. Po Shui Jie/Pestibal ng Pagsasaboy ng Tubig

Ang etnikong grupong Dai ay matatagpuan sa probinsyang Yunnan, sa gawing timog-kanluran ng Tsina. Kada taon, ipinagdiriwang nila ang isang enggrandeng pestibal na kung tawagin ay Pestibal ng Pagsasaboy ng Tubig o Po Shui Jie. Suot ang magagandang damit, ang mga tao ay kumakanta, sumasayaw, at nagsasabuyan ng tubig, simula umaga ng nasabing pestibal. Huwag magagalit kung ikaw ay nabasa, dahil ito ay sagisag ng pagpapala. Kung mas basa sa tubig, ito ay nangangahulugang mas maraming suwerte sa paparating na taon. Kung ang binata ay makakatanggap ng paketeng gawing-kamay mula sa isang dalaga, ito ay nangangahulugang nahulog na ang damdamin ng dalaga sa binate. Ang Po Shui Jie ay itinuturing na Araw ng mga Puso ng etnikong grupo ng Dai. Ang Po Shui Jie ay naging bahagi na ng kultura ng probinsyang Yunnan. Sa ngayon, bukod sa mga mamamayang Dai, sumasali rin ang mga turista sa kapana-panabik na pagdiriwang na ito.

7. Shu Xiang/Labindalawang Hayop ng Taon

Ang Europa ay may 12 konstelasyon, samantalang ang Tsina ay may Shu Xiang o 12 hayop na sumisimbolo sa labindalawang sangay na ginagamit sa pagtatalaga ng taon. Tumatagal ng 12 taon ang buong siklo ng 12 hayop, at kada hayop ay nakatalaga sa isang taon. Naniniwala ang mga Tsino, na minamana ng mga tao ang karakter ng nakatalagang hayop na kanilang kapanganakan. Ang mga ipinanganak sa taon ng daga ay matatalino at ang mga ipinanganak sa taon ng baka ay masisipag. Ang mga ipinanganak sa taon ng tigre ay matatapang at ang mga ipinanganak sa taon ng kuneho ay may angking karunungan (matitimpi/maiingat. Ang mga ipinanganak sa taon ng dragon ay may ginintuang kalooban at may paggalang (pinagpapala ng kasaganaan/kayamanan at karangalan/kapangyarihan), samantalang ang mga ipinanganak sa taon ng ahas ay mga romantiko. Ang mga ipinanganak sa taon ng kabayo ay mabibilis, at ang mga sa tupa naman ay matatapat. Ang mga ipinanganak sa taon ng unggoy ay ismarte at pleksible, samantalang ang mga ipinanganak sa taon ng manok ay may angking kagandahan. Ang mga ipinanganak sa taon ng aso ay matatapat at ang mga ipinanganak sa taon ng baboy ay may karisma sa lahat ng tao

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>